Nagbigay ng tulong pinansyal ang Quezon City Government sa 42 pamilyang nasunugan mula Barangay Batasan Hills, Commonwealth, at Apolonio Samson.

Ang mga biktima ay nakatanggap ng P5,000 (renter/sharer) at P10,000 (house owner). Nabigyan na rin sila ng material assistance at food packs mula sa barangay at lokal na pamahalaan.