Ibinahagi ng pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Mayor Joy Belmonte ang tulong pinansyal sa mga indigent Persons with Disability (PWDs) sa pamamagitan ng Social Welfare Assistance Program.

Sa programang ito, bibigyan ng financial assistance ang mga maralitang may kapansanan na limitado ang tulong na nakukuha mula sa pamahalaan. Sila ay makatatanggap ng P500 kada buwan. Naisakatuparan ang programa sa tulong ng City Ordinance No. SP-3115, S-2022 na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod.

Para sa mga nais maging bahagi ng programa, makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng QC Persons with Disability Affairs Office (PDAO). Para sa mga wala pang QC PWD ID, maaaring mag-submit ng application sa qceservices.quezoncity.gov.ph o magtungo sa QC PDAO.