Aabot sa 125 pamilyang nasunugan mula sa Barangay Culiat ang nabigyan ng pinansyal na tulong ng Quezon City Government.
Tiniyak ni Mayor Joy Belmonte na nakahandang sumuporta ang pamahalaang lungsod para matulungan silang makapagsimula muli. Magbibigay din ng panibagong set ng school supplies sa mga estudyanteng natupok ang kagamitan dahil sa trahedya.
Patuloy ang pag-aasikaso ng QC sa mga nasunugan na kasalukuyang nanunuluyan sa evacuation center. Nabigyan na rin sila ng relief goods at material assistance.




