Agad na nagpaabot ng tulong pinansyal si Mayor Joy Belmonte sa 181 na residenteng naapektuhan ng naganap na sunog kahapon sa Barangay San Roque.

Upang madaling makabangon ang mga QCitizens, mas pinabilis na ng lokal na pamahalaan ang pagproseso at pagtugon sa mga residente ng QC.

Kasama ng alkalde sa distribusyon sina Chief of Staff Rowena Macatao, District 3 Action Officer Tommy de Castro, Barangay San Roque P/B Telesforo Mortega, at mga kawani ng Social Services Development Department.

#TayoAngQC

+10