Umabot sa 864 kabataan na nabibilang sa vulnerable sector ang nabigyan ng karagdagang financial assistance mula sa Social Services Development Department.

Nanguna sina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto sa pamamahagi ng tulong sa mga magulang o guardian ng mga kabataang nasa ilalim ng pangangalaga ng SSDD tulad ng Children in Conflict with the Law (CICLs) at biktima ng karahasan.

Ayon kay Mayor Joy, sinisikap ng pamahalaang lungsod na matugunan ang mga pangangailangan ng disadvantaged children and youth sa lungsod lalo na ang kanilang pag-aaral.

+14