Agad na umalalay ang Quezon City Government sa mga pamilyang nasunugan sa Barangay Bagbag kahapon ng madaling araw.
Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nag-abot ng tulong-pinansyal sa 199 pamilya. Ang mga homeowner ay nabigyan ng 10,000 pesos habang 5,000 pesos naman ang nakatanggap ng mga sharer at renter.
Simula kahapon, patuloy ang pag-agapay ng lokal na pamahalaan sa mga nasunugan sa pamamagitan ng pagbibigay ng hot meals at pag-aasikaso sa pansamantala nilang tutuluyan. Makakatanggap din sila ng material assistance at food packs.





