Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagbigay ng tulong-pinansyal ang Quezon City Government sa 40 pamilyang nasunugan mula sa Barangay Bahay Toro at Masambong.
Bawat pamilya ay nakatanggap ng P10,000 para sa mga owner, at P5,000 sa mga renter o sharer.
Nabigyan na rin sila ng material assistance at suporta mula sa lokal na pamahalaan at barangay.
Nangako naman ang pamahalaang lungsod na tutulong sa mga nasunugan, para magkaroon ng disente at maayos na matutuluyan.










