Personal na ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang tulong pinansiyal sa 148 pamilya na naging biktima ng sunog sa Brgy. Balonbato noong May 24.
Bilang tulong sa kanilang pagbangon, nakatanggap ang bawat pamilya ng P10,000 para sa mga houseowner at P5,000 naman sa mga sharer o renter. Nakiisa sa pamamahagi sina District 6 Action Officer Atty. Mark Aldave, ang Social Services Development Department, at si Kap. Irene Maglalang.