Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Agad na nagbigay ng tulong-pinansyal ang Quezon City Government sa 30 pamilyang nasunugan sa Barangay Batasan Hills, San Martin De Porres, Pasong Tamo, at UP Campus.
Nakatanggap ng P10,000 financial aid ang mga may-ari ng bahay, habang P5,000 naman ang tulong sa mga renter o sharer.
Bukod sa financial assistance, nakapagbigay na ang pamahalaang lungsod ng food packs at material assistance sa mga biktima.










