37 pamilyang QCitizens ang agad na nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Lungsod Quezon matapos ang naganap na sunog ngayong linggo.
Layon ng lungsod na mabilis na makabangon ang mga pamilyang naaapektuhan ng sunog sa mga barangay Commonwealth, Gulod, Baesa, at Doña Aurora.








