Tatlumpu’t anim (36) na pamilyang nasunugan mula Barangay Gulod at Bagong Silangan ang nabigyan ng tulong-pinansyal ng lokal na pamahalaan.

Ipinahayag ng Quezon City Government ang pakikiramay nito sa mga pamilya, at siniguro na patuloy silang susuportahan ng lungsod hanggang sa makabangon sila mula sa trahedya.

Bawat pamilyang nasunugan ay nakatanggap ng P10,000 para sa mga house owner, habang P5,000 naman ang ibinigay sa mga renter at sharer.

+5