Agad na nagbigay ng tulong-pinansyal ang lokal na pamahalaan sa 32 pamilyang nasunugan sa Barangay Kamuning, Sauyo, Commonwealth, Fairview, at Bagong Silangan.
Kinumusta ni Mayor Joy Belmonte ang kalagayan ng mga nasunugan, at nangakong magbibigay suporta para matulungan silang makabangon sa trahedya.
Bawat pamilya ay nakatanggap P10,000 para sa mga house owner, habang P5,000 naman para sa mga renter at sharer.