Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Personal na binisita at kinumusta ni Mayor Joy Belmonte ang mahigit 140 pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa sunog sa Brgy. San Agustin.
Tiniyak ng alkalde na patuloy na tutugunan ng pamahalaang lungsod ang kanilang mga pangangailangan at pinag-aaralan ang iba pang maaaring maipagkaloob na tulong.
Bilang agarang suporta, nakatanggap ang mga apektadong pamilya ng financial assistance, hygiene kits, food packs, bigas, at iba pang mahahalagang suplay.
Mananatiling nakaalalay ang Quezon City Government sa mga pamilyang apektado ng sunog habang unti-unti silang bumabangon.










