Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Aabot sa 44 pamilyang nasunugan ang nakatanggap na ng financial assistance mula sa pamahalaang lungsod.
Kabilang sa kanila ang mga biktima mula sa Barangay Sta. Monica, Nagkaisang Nayon, Sto. Niño, Culiat, Batasan, at Old Balara na nasunugan noong nakaraang linggo.
Bawat pamilya ay nakatanggap ng P10,000 para sa mga house owner, habang P5,000 naman ang ibinigay sa mga renter/ sharer.
Bago ang financial assistance, nakatanggap na sila ng food pack at material assistance mula sa lungsod.










