Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang tulong pinansiyal sa mga pamilyang naging biktima ng sunog sa Brgy. UP Campus, Brgy. Tatalon, Brgy. Old Capitol Site, at Brgy. Commonwealth.
Bilang tulong sa kanilang pagbangon, nakatanggap ang bawat pamilya ng P10,000 para sa mga houseowner at P5,000 naman sa mga sharer o renter.
Nakiisa sa pamamahagi sina Coun. Irene Belmonte, District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate, at Social Services Development Department OIC Carol Patalinghog.




