Nag-abot ng tulong-pinansyal ang Quezon City Government sa 50 pamilyang nasunugan sa Barangay Bagbag, Payatas, Commonwealth, at Batasan Hills.

Handang tumulong ang QC, sa pangunguna ng Social Services Development Department (SSDD), sa mga pamilya para matiyak ang kanilang pagbangon mula sa trahedya.

Bukod sa financial aid, nabigyan din ang mga nasunugan ng food packs at material assistance.

+7