Agad na nagbigay ng tulong-pinansyal ang Quezon City Government sa 154 pamilyang nasunugan sa Barangay Old Capitol Site noong Linggo.
Mismong sina Mayor Joy Belmonte ang namahagi ng financial aid sa mga biktima na pansamantalang nanunuluyan sa Pechayan Area Multipurpose hall.
Kinumusta rin ng alkalde ang kalagayan ng mga nasunugan at nangakong patuloy silang susuportahan ng lokal na pamahalaan hanggang sa kanilang pagbangon mula sa trahedya.
Kasama ni Mayor Joy sa pamamahagi ng tulong sina Social Services Development Department (SSDD) OIC Rowena Macatao, District 4 Action Officer Al Flores, at ang konseho ng Barangay Old Capitol Site.