Agad na tumugon ang lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon sa 78 pamilyang nasunugan sa Barangay San Antonio at Holy Spirit upang mabilis silang makabangon sa tinamong trahedya.

Personal na ipinamahagi ni Mayor Joy Belmonte ang tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P10,000 para sa mga owners at P5,000 naman sa mga sharers at renters.

Binigyang-diin ng Alkalde na handang tumulong ang lungsod para sa mga biktimang residente, estudyante, at maliliit na negosyanteng naapektohan ng sunog. Hinimok din niya ang QCitizens na tangkilikin ang housing programs ng QC.

Kasama ni Mayor Joy sa distribusyon sina District 1 Action Officer Ollie Belmonte, P/B Daniel Berroya, at Social Services Development Department head Carolina Patalinghog.

#TayoAngQC

+9