Maagap na nagbigay ng tulong ang Quezon City Government sa 61 pamilyang nasunugan sa Barangay Bagong Pag-asa noong Miyerkules.
Tiniyak ng lokal na pamahalaan na maayos ang kanilang kalagayan sa evacuation center kaya’t sinisikap ng lungsod na maibigay ang mga pangunahin nilang pangangailangan.
Bawat pamilya ay nakatanggap ng P10,000 para sa mga house owner, at P5,000 naman para sa mga renter/ sharer.
May mga itinayong child-friendly space, women-friendly space, at lactating area sa evacuation site.
Nakaalalay rin ang Quezon City Health Department (QCHD) para agarang maibigay ang mga serbisyong medikal sa mga residente.








