Bilang pag-alalay sa kanilang pagbangon mula sa trahedya, agad na nagbigay ng tulong pinansyal ang Quezon City Government, sa pangunguna ng Social Services and Development Department, sa 248 pamilyang nasunugan sa Barangay Culiat noong Linggo (August 27).

Kinumusta nina Mayor Joy Belmonte, Coun. Vic Bernardo, at District 6 Action Officer Atty. Mark Aldave ang kalagayan ng mga biktima. Tiniyak din nila na kaagapay nila ang lokal na pamahalaan.

Pansamantalang nanunuluyan ang mga nasunugan sa Metroheights subdivision covered court, at Vargas covered court. Inaasikaso sila ng mga social workers ng lungsod, at binibigyan ng hot meals.

Bawat pamilyang nasunugan ay nakatanggap ng P10,000 para sa mga home owner at P5,000 naman para sa mga sharer o renter.

+14