Nagtungo si Mayor Joy Belmonte sa evacuation center upang kumustahin ang kalagayan ng aabot sa 134 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay Culiat.
Tiniyak ni Mayor Joy na sapat ang tulong na naipagkaloob sa mga biktima, at aalamin rin ang posibilidad ng karagdagang suporta mula sa pamahalaang lungsod.
Agad namang naipamahagi ang financial assistance sa mga pamilyang nasunugan, kasabay ng pamamahagi ng hygiene kits, food packs, bigas, at iba pang pangunahing pangangailangan.
Patuloy din ang hot meals distribution, medical services, at psychosocial support para sa mga evacuees. Naglagay rin ang QCDRRMO ng partition tents upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan sa evacuation site.
Kasama sa pagbisita sina Coun. Vic Bernardo, District 6 Action Officer Atty. Mark Aldave, at P/B Bebang Bernardino.
Katuwang ang QC Health Department, QC Veterinary Department, at ang barangay sa pagtugon.








