Bilang bahagi ng pag-alalay ng lungsod sa mga biktima ng sunog, namahagi ang lokal na pamahalaan ng financial assistance sa 45 pamilya mula sa Barangay Holy Spirit, at Batasan Hills.
Bawat pamilyang nasunugan ay nakatanggap ng P10,000 para sa mga homeowner at P5,000 para sa mga renter at sharer.
Bago ang financial assistance, binigyan na sila ng lungsod ng material assistance at food packs.