Nagbigay ng tulong-pinansyal ang Quezon City Government sa 83 pamilyang nasunugan sa Barangay Masambong, Holy Spirit, Pansol, Novaliches Proper, at Krus na Ligas.

Bawat pamilyang biktima ay nakatanggap ng P10,000 para sa mga house owner at P5,000 naman para sa mga renter at sharer.

Nabigyan na rin ang lungsod ng material assistance at food packs sa mga pamilya.

+11