Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Agad na nagbigay ng tulong-pinansyal ang Quezon City Government sa 86 QCitizen families na nasunugan noong Biyernes sa Barangay Old Balara.
Nakatanggap ng P10,000 financial aid ang mga may-ari ng bahay, habang P5,000 naman ang mga renter o sharer.
Bukod sa financial assistance, nakakuha na rin ang mga biktima ng material assistance, at kinalinga ng Social Services Development Department (SSDD) habang pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center.








