Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Agad na nagbigay ng financial assistance ang pamahalaang lungsod sa 57 pamilyang nasunugan sa Barangay Payatas noong isang linggo.
Inaasikaso sila ng mga social worker at mga kawani ng Barangay Payatas, habang pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center.
Bukod sa food packs at material assistance, bawat pamilyang nasunugan ay nakatanggap ng P10,000 para sa mga house owner, habang P5,000 naman sa mga renter o sharer.










