Personal na ipinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang agarang tulong pinansyal para sa 48 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay Pinyahan.
Katuwang ng alkalde sa distribusyon ng cash aid sina District 4 Action Officer Al Flores, Barangay Pinayahan P/B Ricardo Villaflor kasama ang barangay council, at mga kawani ng Social Services Development Department.