Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nag-abot ng tulong-pinansyal ang Quezon City Government sa 51 pamilyang nasunugan sa NIA road, Barangay Pinyahan.
P10,000 ang natanggap ng mga may-ari ng bahay, habang P5,000 naman ang ibinigay sa mga renter o sharer.
Bago ang pagbibigay ng financial assistance, nakatanggap na ng food packs at material assistance ang mga biktima.
Patuloy din silang inaasikaso ng Social Services Development Department (SSDD), katuwang ang Quezon City Police District (QCPD), habang pansamantalang nanunuluyan sa Camp Karingal.










