Personal na ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang tulong pinansiyal sa 49 pamilyang biktima ng sunog sa Barangay Sangandaan.
Nakatanggap ng P5,000 financial assistance ang mga renter/ sharer na pamilyang nasunugan noong June 19, 2024.
Nakiisa sa pamamahagi sina Social Services Development Department OIC Carol Patalinhug at Barangay Sangandaan Chairperson Marivic Hefti.