Agad na nagbigay ng tulong-pinansyal ang Quezon City Government sa 35 pamilyang nasunugan sa Bgy. Sta. Monica noong Biyernes.
Bawat pamilya ay nakatanggap ng P10,000 para sa mga house owner, at P5,000 naman para sa mga renter at sharer. Nabigyan na rin sila ng material assistance at food packs mula sa lokal na pamahalaan at barangay.