Nag-abot ng tulong ang Quezon City Government sa mga pamilya ng mga biktima sa nangyaring sunog sa Pleasant View Subdivision, Barangay Tandang Sora noong August 31.
Binigyan ng lokal na pamahalaan ang mga pamilya ng financial assistance. Inalalayan din sila ng lungsod para maka-avail ng libreng cremation para sa mga nasawi, at tinulungang makakuha ng transfer permit, death certificate, at iba pang dokumento.
Ipinag-utos ni Mayor Joy Belmonte ang masusing imbestigasyon sa nangyaring trahedya para makamit ang hustisya sa 15 nasawi.