Ilang araw matapos ang naganap na sunog sa Barangay UP Campus, agad na nagpaabot ng tulong pinansyal ang pamahalaang Lungsod Quezon sa 179 naapektuhang pamilya ngayong araw.

Inatasan ni Mayor Joy Belmonte ang mga departamento ng lokal na pamahalaan na ipagpatuloy ang pagsuporta sa mga apektadong residente upang mabilis silang makabangon sa naganap na trahedya.

Nakatanggap ng P10,000 ang mga owners at P5,000 naman para sa renters at sharers.

Pinangunahan ng alkalde ang cash aid distribution kasama sina P/B Lawrence Mappala, District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate, at Social Services Development Department head Carolina Patalinghog.

+15