Agad na nagpaabot ng tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan sa 56 pamilyang naapektohan ng sunog sa mga Barangay ng Bagong Silangan, Pasong Putik Proper, Payatas, UP Campus, Krus na Ligas, Pasong Tamo, Sauyo, San Isidro Galas, at Project 6 ngayong araw.
Personal na ipinamahagi ni Mayor Joy Belmonte ang cash assistance na P10,000 para sa owners at P5,000 sa mga sharers at renters.
Dumalo sa distribusyon sina Action Officer 4 Atty. Zandy Zacate at mga kawani ng Social Services Development Department.




