Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng financial assistance sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa NIA Road, Barangay Pinyahan.
Kasama sa programa sina Councilor Atty. Vincent Belmonte, Councilor Imee Rillo, Councilor Nanette Castelo-Daza, at Punong Barangay Ricardo Villaflor, gayundin ang Social Services Development Department sa pangunguna ni OIC Lorelei Salvador.
Nagpaabot din ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang makatulong sa agarang pangangailangan ng mga apektadong pamilya.
Patuloy ang pagtutulungan ng pamahalaang lungsod at mga pambansang ahensya sa pagbibigay ng kinakailangang tulong sa mga pamilyang nasunugan.








