Nagdaos ng libreng financial literacy at entrepreneurship training ang Quezon City Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) para sa MSMEs sa Amoranto Sports Complex tampok ang Pambansang Wealth Coach na si Chinkee Tan.
Kasama ang BDO Foundation at Team Positive, layon ng “Ayusin ang Pera, Palaguin ang Negosyo” na bigyang kaalaman sa matalinong paghawak ng pera at pagdedesisyong pinansyal, maging ang tamang mindset at skills sa pagnenegosyo.
Kasabay nito ang pagtalakay sa Nano-Enterprise Registration Program, sa pangunguna ng Business Permits and Licensing Department, para hikayating magpa-rehistro ang mga negosyong may maliit na puhunan at kita, para sa legal na pagkakakilanlan at mas maayos na access sa mga programa at suportang hatid ng lokal na pamahalaan.
Nagbigay ng espesyal na mensahe sina SBCDPO Head Mona Yap, District 1 Coun. Charm Ferrer, at BDO Foundation President Mario Deriquito sa mga dumalo.










