Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang karanasan ng Quezon City sa pagsusulong ng climate action at sustainable urban development sa Financing Green Cities and Buildings discussion (June 15) sa World Cities Summit.
Binigyang-diin ng alkalde ang papel ng lungsod sa pagbuo ng mga polisiya at mekanismo upang suportahan ang investments sa climate-resilient at low-carbon infrastructure, kabilang ang pagpapalakas ng Green Building Code ng QC. Layunin nitong gawing mas energy-efficient ang mga gusali, bawasan ang carbon emissions, at suportahan ang target na net-zero emissions pagsapit ng 2050.
Ayon sa alkalde, mahalaga ang pakikipagtulungan ng mga lungsod sa pribadong sektor at development partners upang matugunan ang pangangailangan sa climate finance, lalo na sa built environment na isa sa pinakamalaking sources ng greenhouse gas emissions.
Binigyang-diin din niya na ang sapat at accessible na climate financing ay susi upang maisakatuparan ng mga lungsod ang kanilang climate action plans at makabuo ng mas matatag at sustainable na mga komunidad.
Kasama ni Mayor Belmonte sa panel discussion sina Vinamra Srivastava, Partner at Asia Sustainable Investment Lead ng ERM, at Benjamin Van der Auwera, Asia Pacific Green Buildings Lead ng World Bank Group.










