Personal na kinamusta ni Mayor Joy Belmonte ang mga residenteng naapektuhan ng sunog sa Balud St., Barangay Culiat.
Pansamantalang tumutuloy ang 84 na pamilya sa covered basketball court at patuloy ang pagtugon ng lungsod sa kanilang pangangailangan.
Namahagi rin si Mayor Joy, kasama sina Social Services Development Department OIC at COS Rowena Macatao at Barangay Culiat Kapitana Bebang Bernardino, ng tulong pinansyal para sa mga apektadong pamilya.
Nakatanggap ng P10,000 ang mga house owners at P5,000 naman para sa mga sharers at renters.