Nagbigay ng tulong-pinansyal ang Quezon City Government sa 37 pamilyang nasunugan sa Barangay Commonwealth at Sauyo.
Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nag-abot ng financial aid sa mga biktima, kung saan nakatanggap ang mga house owner ng P10,000 at P5,000 naman sa mga sharer o renter.
Nauna na silang makatanggap ng food packs at material assistance mula sa lokal na pamahalaan at barangay. Sumailalim din sila sa masusing verification process ng Social Services Development Department (SSDD).