Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Agad na nagbigay ng tulong ang Quezon City Government sa 31 pamilyang nasunugan sa Barangay Old Balara at Culiat noong January 28.
Kinumusta ng lokal na pamahalaan ang kalagayan ng mga biktima. Handang magbigay ng karagdagang suporta ang QC Government para matulungan silang makabangon mula sa trahedya.
Bawat pamilyang nasunugan ay nakatanggap ng P10,000 para sa mga houseowner, at P5,000 naman para sa mga sharer at renter.










