Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Agad na nag-abot ng tulong ang Quezon City Government sa 67 pamilyang nasunugan sa Barangay San Antonio.
Bawat pamilya ay nakatanggap ng P10,000 para sa mga house owner, at P5,000 naman sa mga renter/sharer.
Kinumusta ni Mayor Joy Belmonte ang kalagayan ng evacuees na pansamantalang nanunuluyan sa San Jose Covered Court.
Bukod sa financial assistance, nakatanggap din ang mga nasunugan ng material assistance, food packs, at hygiene kits mula sa lokal na pamahalaan.








