Agad namahagi ng tulong pinansyal ang lokal na pamahalaan sa mga residenteng nasunugan sa Brgy. Tandang Sora kahapon.
Aabot sa 152 pamilya ang nabigyan ng tulong. P10,000 ang natanggap ng home owners at P5,000 naman para sa renters.
Mismong si Mayor Joy Belmonte ang pumunta upang alamin ang kalagayan ng mga nasunugan. Siniguro rin niya na ang school supplies na natupok ay mapapalitan sa pakikipagtulungan kasama ang Social Services Development Department.




