QCitizens, mag-ingat sa sunog!🔥🚒🧯

Ngayong #FirePreventionMonth, pinapaalala ng Quezon City Government na maging alerto at maingat upang maiwasan ang peligrong dulot ng sunog sa ating komunidad at maging sa ating buhay.

Kung mayroong sunog sa inyong lugar, tumawag sa Quezon City Helpline 122 o sa pinakamalapit na fire station.

Narito ang ilang #FireSafetyTips kung paano maiiwasan ang sunog.

#StaySafeQCitizens