Sa pag-iwas sa sunog, hindi ka nag-iisa! 🔥

Nakiisa ang Quezon City Government at Quezon City Fire District sa kickoff ceremony ng Fire Prevention Month ngayong Marso.

Nanguna sa seremonya sina Asst. City Administrator for Operations Alberto Kimpo at QC Fire District Marshal FSSupt. Flor-ian Guerrero kasama ang ilang tauhan ng Bureau of Fire Protection.

Isinagawa rin ang motorcade ng mga fire truck, ambulance, at rescue vehicles bilang hudyat ng pagsisimula ng Fire Prevention Month.

Abangan ang iba-ibang aktibidad ng QCFD tulad ng fire safety training and awareness.

Muling ipinapaalala sa QCitizens ang ibayong pag-iingat upang maiwasan ang sunog sa ating komunidad.

+26