Upang matulungang makabangon mula sa trahedya, nag-abot ng tulong-pinansyal ang Quezon City Government sa 20 pamilyang nasunugan sa Barangay Novaliches Proper, Bahay Toro, at Baesa.
Bawat pamilya ay nakatanggap ng P10,000 para sa mga houseowner, at P5,000 para sa mga sharer o renter. Nabigyan na rin sila ng material assistance at food packs mula sa barangay at lokal na pamahalaan.