Nag-abot ng tulong ang Quezon City Government sa 16 na pamilyang nasunugan mula sa Barangay Tatalon, Mariblo, at San Vicente.

Bawat biktima ay nakatanggap ng P10,000 para sa mga house owner at P5,000 para sa renters o sharers.

Bago tumanggap ng financial assistance, sumailalim muna sa verification ang mga biktima. Nauna na rin silang nabigyan ng material assistance at food packs mula sa pamahalaang lungsod at barangay.