Bukod sa pagtiyak na maayos at payapa ang paggunita sa #Undas2022, nagtayo rin ng first aid station ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council(QCDRRMO) para sa mga bumibisita sa mga sementeryo.
Naka-antabay ang mga kawani ng QCDRRMO para kunan ng blood pressure ang mga matatanda at maging ang mga may alta presyon. Tumutugon din sila sa iba pang medical emergency gaya ng paglilinis ng sugat.
Sinisiguro ng pamahalaang lungsod na magiging maayos ang paggunita ng #Undas2022 sa QC, kasabay ng pagdagsa ng QCitizens sa mga sementeryo at kolumbaryo.