Nagsimula nang subukan ang bagong dating na electric QCity bus!
Ngayong hapon, pumasada ang isa sa mga e-QCity bus sa kahabaan ng North Avenue at EDSA papuntang Muñoz QCity Bus Route .
Tiniyak ni Mayor Joy Belmonte na swabe at komportable ang biyahe ng mga QCitizen na sumakay sa e-QCity Bus.
Ngayong taon, walong e-bus ang binili ng QC para magbigay ng libreng sakay at transportasyon sa mga residente.
Ang pagsisimula ng transition ng lungsod sa electric fleet ay alinsunod sa Republic Act No. 11697 o ang “Electric Vehicle Industry Development Act or EVIDA Law”.