Walang maiiwan, kayang-kaya kapag sama-sama
Binisita ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa Bureau of Jail and Management Penology (BJMP) – Female Dormitory.
Ipinakita sa kanya ni Mayor Joy Belmonte at Jail Warden JCInsp. Lourvina Abrazado ang proyektong ‘No Woman Left Behind’, kung saan ang mga PDL ay mayroong libreng edukasyon, hanapbuhay, at health care sa loob ng piitan.
Ipinamalas din ng mga kababaihang PDL ang kanilang talento sa mga performance na kanilang pinaghandaan para sa pagbisita ni First Lady Liza Marcos.