BAGONG BUHAY, BAGONG PAG-ASA ![]()
Mula sa pagiging Person Deprived of Liberty (PDL), pinatunayan ni Severino na ang bawat pagkakataon ay simula ng pagbabago at pag-asa.
Si Severino ang unang male hire mula sa Basic Food and Beverage Operations Training ng QC No Juan Left Behind.
Nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Joy Belmonte sa Park Inn by Radisson North EDSA, sa pagbibigay ng 3-month training para sa mga PDL.
Nakiisa rin sina BJMP-NCR Regional Director JCSUPT Baby Noel Montalvo at QC Jail Male Dormitory Warden JSUPT Maria Lourdes Pacion sa pagsusulong ng mga programa sa reintegration ng mga PDL.
Bahagi ito ng patuloy na pakikipagtulungan ng hotel, na naunang nagpatupad ng Basic Housekeeping Skills Training para sa mga babaeng PDL, sa ilalim ng No Woman Left Behind program.










