Lubos na pinasalamatan ni Mayor Joy Belmonte ang mahigit 19,000 kawani ng lokal na pamahalaan na naging bahagi ng tagumpay ng Lungsod Quezon sa taong 2023.
Sa unang flag-raising ceremony ng 2024, binigyang-diin ng alkalde na 2023 ang “best year in terms of performance” ng QC Government dahil sa daan-daang parangal at pagkilala na natanggap ng lungsod.
Hinikayat niya rin ang mga empleyado na pag-igihan pa ang pagsisilbi at pagbibigay serbisyo sa mga QCitizen, para mas lalong umunlad at umangat pa ang antas ng pamumuhay sa QC




