Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakiisa si Minority Floor Leader Coun. Doray Delarmente bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte sa pagdiriwang ng Earth Hour sa Fishermall Quezon Avenue kahapon.
Ang Earth Hour ay isang global environmental initiative na naghihikayat sa sabayang pagpatay ng ilaw sa loob ng isang oras bilang simbolo ng pagtitipid ng enerhiya at pagkilos laban sa climate change.
Ang Pamahalaang Lungsod ay patuloy ring nagsusulong ng mga programang nakatuon sa environmental sustainability, energy efficiency, at iba pang hakbang upang mapalakas ang kamalayan at aktibong pakikilahok ng QCitizens sa pangangalaga sa kalikasan.










